Tuesday, June 06, 2006

Top Ten Quotable Quotes: Retreat Letters 2000

Isa sa mga highlights ng retreat ang palanca letters. Sa isang banda, malalaman mo kung ano ba talaga ang tingin ng ibang tao sa iyo; sa kabila naman, malalaman mo rin kung gaano ba talaga karami ang mga taong nag-aaksaya ng panahon para tingnan ang iba't ibang aspeto ng pag-uugali mo.

-SHIFT-

But this entry isn't about reflecting over the things that only something as intimate as a letter could divulge. This is about the memorable lines that made me smile when I was on the verge of tears and the lines that made me cry when all along I felt rather plain and nonchalant.

So, in honor of the people who own these thoughts, I'm sharing the top ten quotable quotes of the letters in my "shoe box"... para kahit papaano matawa/maiyak naman kayo. =)

10.
"To tell you honestly, medyo naiilang pa ako sa iyo noong bandang first quarter noong third year. Akala ko kasi maldita ka."
- Eumir
(Ah ok...)
9.
"Alam mo gusto kita. Kasi humble ka (CHARING!!!) at you share your knowledge with others."
- Jot
(I'm touched, seriously... charing!!!)
8.
"Ewan ko ba, ba't nagkakaganito ako! 'Di ko mapigilang magmahal."
- Allen
(Aba hindi ko alam. Actually hindi ko rin alam kung para sa kin ba talaga itong letter na ito. Allen, love life mo ba ang pag-usapan??? Haha)
7.
"Ang buong akala ko noon ay hindi ninyo ako magugustuhan dahil sa antipatika kong pagmumukha."
- Ms. Ref
(Ganun? Ang sagot lang diyan ay: "It is only through the heart that one can see rightly. What is essential is invisible to the eye." 'Di ba Ma'am? Hehe.)
6.
"Ikaw na rin ang bahalang tumuklas sa mga talang ninais kong abutin, ngunit bagkus pa nga'y sinilaw ako't pinabagsak sa lupaing aking pinanggalingan. Paano ako hinamak ng mga taong binuhusan ko ng sandakot na pag-ibig. Well, iniisip niyong isa akong paniking nagkukunwaring ibon at hayop nang magkasabay... pamuli kong sasabihin sa inyong hindi ako ganoon!"
- Raymond T.
(Kung maibabalik ko lang... ay hindi pala... Maalaala mo kaya... Hay Raymond, never in my adolescent years na naisip kong posible palang magkunwaring paniki at hayop ang isang tao. Ang catch dyan, magkasabay pa! Hihi.)
5.
"Bakit ba ang talino mo? Siguro nasubukan mo na lahat ng paraan ng pandaraya?"
- Sgd. Miriam Quiambao
(Miriam Quiambao?!?!?! Gosh, I never knew that Miriam Quiambao was studying in an all-boys school! Carlo, este Miriam, aymberisori pero never pa ako nandaya sa school... Ows? Hehe.)
4.
"You've really been a special part of me since the day na natuto ako sa buhay."
- Mark
(Patay na, seryoso na.)
3.
"Sa loob ng mahabang taon na pinagsamahan natin, natuklasan ko na isa kang mabait, mapagbigay at pastor. Sana naman tulungan mo ko sa mga homeworks at assignments."
- Sieg
(Si Darwin pastor?!?!?! Hay naku Sieg, assignments lang pala kailangan mo nambola ka pa. Hehe.)
2.
"UR GREAT, HE KNEW DAT, U KNEW DAT, I KNEW DAT."
- Ehljay
(PEEZ AWT NIGGAH! Who knew what nga uli?)
1.
"Kaya kong mag-survive. Remember, laki ako sa lupa. Kaya kong makibagay kahit kanino at sany ako sa hirap ng buhay at ayaw ko itong danasin niyo."
- Tatay
(Oh ayan, seryoso na talaga.)
Para sa lahat, salamat!

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

just passed by and read this entry. I got excited for our retreat this coming monday :D but.. i think my parents' letter would really make me cry.. :(

1/26/2008 10:06 AM  

Post a Comment

<< Home